Totoo ba ang FOREVER?



Tugudug. Tugudugs. My heart is beating. Malapit na naman ang araw ng mga puso at “IN” na naman ang mga nagmamahalan ngayon. Uso na naman ang mga sweet lines, red roses, cheesy quotes, cute stuff toys, at madami pang iba. I don’t know why February 14 ang Valentine’s day, basta ako masaya ako at nagmamahal ako. E ikaw? Kamusta ka ngayong Valentine’s Day?


Sabi nila kung magmamahal ka, dapat handa kang masaktan. Masaktan sa mga bagay na kahit siya ang may kasalanan, IKAW at IKAW pa din ang dapat humingi ng sorry at magpatawad. Understanding.. Yan ang sabi ng iba. Pero gaano ka na nga ba ka-ready magmahal ng isang tao at handang iwanan ang iyong relationship status na SINGLE?



Kapag tapos mo na ang 4-year course na kinukuha mo kahit hindi mo naman gusto dahil yan ang sabi ng parents mo? Kapag na-meet mo na yung taong mayaman, gwapo/maganda, sexy, may kotse, summa cum laude ng batch nila, nagsisimba every Sunday, yung taong PERFECT? Kapag payat ka na at kaya mo ng iwanan ang favourite mong adobo, pasta, cheesecake, leche flan? Kapag hindi na traffic sa EDSA, kapag wala ng corruption at dayaan sa eleksyon, o kapag na solve mo na ang problema ng bansang Pilipinas? Kelan? Kelan ka handang magmahal?


Oo, naniniwala din ako sa TRUE LOVE WAITS, pero hanggang kelan ka pa maghihintay? Kelan ka pa aasa na darating ang taong para sayo? Kapag naging LOVERS na kayo sa FLAMES, kapag nag accept na siya sa friend request mo o kapag I LOVE YOU TOO na ang pangalan niya?


Hanggang kaylan ka maghihintay?



Ako, FOREVER.

Share this:

, , , , , , , , ,

CONVERSATION