5 Reasons Why You Should Stop Watching Eat Bulaga's #AlDubForever


Ever since, Eat Bulaga remains to be the #1 noontime show in the Philippine free TV. Simula bata ako, sila na kasama namin sa tanghalian. Sorry, proud Kapuso here. :)

Related story: 10 Signs That You're A Certified AlDub Fan


But with the introduction of social media, Eat Bulaga faces another challenge on how to marry the conventional way of entertaining the Filipino market and the digital age generation. Thanks to the bright mind behind the "Yaya Dub" and "Lola Ni Dora" idea plus the accidental love team of #AlDub which is now an instant hit!



Isa ako sa mga saksi simula day 1 ng Eat Bulaga Sugod Bahay Problem Solving kasama sila Lola ni Dora and Yaya Dub and I should say, this segment is really addicting. So I'm writing this post to share with you why you should stop watching Eat Bulaga's #KiligPaMore segment featuring the new love team, Alden Richards and Maine Mendoza aka Yaya Dub bago pa mahuli ang lahat!

1. YOU SHOULD STOP WATCHING ALDUB BECAUSE IT'S NOT THE TYPICAL LOVETEAM IN SHOWBIZ
Namulat tayo sa mundo ng showbiz na lahat dapat perpekto. Mayroong matipunong lalake at mala-birhen na babae, na magkakatuluyan hanggang sa dulo ng story. AlDub loveteam remains to be simple and relatable.

Why?

First, we can all relate with the long distance relationship setting of this story – nasa studio si Alden, nasa barangay si Yaya Dub. Many of us experience (especially OFWs) this type of relationship.

Second, the essence of having a split screen which represents the connection with our loved ones. One perfect example is the use of Skype or Facebook video call. We can all relate with that type of set-up even if we haven’t see each other in person, pero may tendency pa din na mainlove tayo sa isa’t-isa.

Next, the “Lola” character of Wally Bayola which reminds us of Cinderella story. Mayroong isang prinsipe sa kaharian, naghahanap ng magiging prinsesa subalit maraming hadlang.. Alam niyo na kung ano ang ibig sabihin nun!

Lastly, the use of love songs everytime they see each other. Nakakakilig diba? Parang lahat naman tayo ay may theme song ang buhay natin.

So if you want to see the typical teen prince and princess ng showbiz, hindi ang #AlDub ang hanap mo! Iba to! :)

2. STOP WATCHING ALDUB, BECAUSE YAYA DUB ISN'T YOUR IDEAL LEADING LADY OR TEEN PRINCESS
Yaya Dub? Iba to! (Sabi nga ni Paolo). The Dubsmash Queen of the Philippines is one of the newest hits hindi lang sa Pilipinas, trending din worldwide because of her humor and stunning Filipina beauty.
 


She's not your ideal leading lady na makakasalubong mo sa school, may dala-dalang books at bigla kayong nagkabanggan, nahulog ang mga dala nito at biglang nagkatinginan ang inyong mata at sabay niyong kinuha ang mga libro.. Ooopsss.. Si Yaya Dub ang tipong babae na masaya kasama, walang arte, walang kuskos balungos! So if you want to see an ideal leading lady, stop watching #Aldub!



3. YOU SHOULD STOP WATCHING ALDUB DAHIL AASA KA NA NAMAN SA FOREVER

Totoo nga ba ang forever?

 Well, malalaman natin sa mga susunod na kabanata ng #AlDub Kalyeserye. But everytime na nanunuod ako ng Eat Bulaga, lalo ako umaaasa na talagang totoo ang forever. Try watching it!



4. STOP WATCHING ALDUB, OR ELSE MAPUPUYAT KA EVERYDAY WAITING FOR THE VIDEO UPLOAD NG EB FACEBOOK

Let’s face it: Simula ng sumikat ang #Aldub, dumami page views ng Eat Bulaga waiting for the video upload. Isa ako sa mga naghihintay at umaasang nagupload na sila kahit napunuod ko na siya sa TV, gusto ko pa din ulit-ulitin!

5. YOU SHOULD STOP WATCHING ALDUB KUNG AYAW MONG MA-ADIK SA HINDI MAIPALIWANAG NA CHEMISTRY NILANG DALAWA


One word, ADDICTING. Yes, dumadami na ang na-aadik sa #Aldub. Walang mapakag-explain kung ano ang kakaibang CHEMISTRY mayroon ang dalawa basta everytime they are performing on-screen, nakakawala ng stress at feeling mo kapag nagkita silang dalawa in person ay titigil ang buong sambayanan parang laban ni Pacquiao para manuod ng pinakaaabangang PAGTATAGPO.

And yes, isa na ako sa #AlDubForever fans. I can't explain pero yun na yun. Kaya ang mga officemates ko, eto tuloy ang regalo sakin nung birthday ko:
 

Haha. Oh, walang kokontra! :)

If you want to know why nakaka-addict ang #AlDub, watch Eat Bulaga today and tell me why!

How about you?

Isa ka na din ba sa natamaan ng #AlDub fever? 

Share this:

, , , , ,

CONVERSATION