DESTINY
“I can't control my destiny, I trust my soul, my only goal is just to be. There's only now, there's only here. Give in to love or live in fear. No other path, no other way. No day but today" -Johnathan Larson
Pangkaraniwang araw para sa akin. Kitang kita sa aking mga mata ang kalungkutan. Nais kong mapag-isa. Walang kasama at kaibigan. Tila kalaban ko ang buong sanlibutan.
Umaasa ako na darating ang araw na sasaya din ako sa paraang di ko inaasahan. Maraming bagay ang hindi ko maintindihan. Naniniwala ako sa salitang Destiny. Siguro marahil ang ibang tao ay nakokornihan sa salitang ito. Pero ako, ngayon ko palang unti-unting nabibigyang halaga ito. Siguro ginawa din ni Lord yung destiny. Pero pano ko malalaman kung siya na nga ba talaga?
Minsan naisip ko bakit kailangan ko pa mag-aaral eh pagdating sa totoong buhay eh magkakatalo na lang sa palakasan? Kung may kakilala ka o kamag-anak na nagtatrabaho sa isang komapanya. Mas pipiiin na nila yung kamag-anak nila.
Naalala ko tuloy yung isa kong kasamahan sa trabaho. Nagagalit siya sa Management Team namin dahil Bias daw. Napaka-subjective.
"Dahil ba kamag-anak niya yun ee siya na lang palagi ang bibigyan ng duty?"
Ngumiti na lang ako sa kanya at biglang napaisip.
"Oo nga. Naranasan ko din yan!"
Kaso sa puntong iyon, hindi ako ang talunan. Sa akin kampi ang lahat. Minsan, oo. masarap kapag paborito ka. Lalu na skul namin. Lagi na lang siya, siya ang tinatwag. Nagtataka tuloy ako kung saan niya hinuhugot yung grades namin?
Nasanay lang siguro talaga ang mga Pilipino sa ganitong mga pag-uugali. Pero may mga tao pa din na propesyonal ang pag-uugali. Kaso pati sila nadadamay.
Destiny nga ba yun?
Nagbabalik na nman ang aking libangan. Ang mag-post dito sa blog ko ng mga walang kwentang bagay. Sabi nila ginagaya ko lang daw. Siguro dahil inspire lang ako sa kanilang mga gawa.
Minsan tuloy ayoko na magbasa ng libro kasi parang nababago lang yung pilosopiya ko sa buhay. Kung anu yung nababasa ko, mabilis akong naiimplwensyahan. Parang ngayon lang.
Kung ano ang halaga ng libro, parang isa pa ito sa pinakadelikadong gamit sa panahon ngayon. Nan diyan ang mga illegal copyrighting, xerox at kung anu-ano pa.
Destiny nga ba?
Hindi din ako makapaniwala dahil yung taong dati inaakala mo hindi mo makakasama sa buhay, ay andito na sa harap mo. Nasa mga palad mo na pala. Akala mo dati ay kayhirap abutin, subalit ngayon ay wala na... wala na . Hahahaha kanta pa :)
(Vibrating)
1 message received.
Read:
"If any relationship doesn't make you a better person, then you are with the wrong one"
Tama. Ngayon ko lang narealized to. Alam ko na ang aking gagawin. Ayoko na sa isang relationship na wala naman patutunguhan. Ito na siguro ang oras para mag-move on. .ayoko ng masaktan pang muli.
Destiny?
"Bestfriends" yan ang tawag sa dalawang taong lubos na magka-IBIGAN. Napakasaya ng araw ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil din sa Destiny ko yun? Siguro nga.. Sana matuto na ko sa aking mga pagkakamali. Ayoko ng ulit-ulitin ang mga bagay na alam kong hindi tama.
Sana matulungan ako ng mga taong ito sa pag-ahon sa kumunoy ng buhay. Magsisimula ako. Mangangarap.
Sapat ng ibinigay ko sa kanya ang lahat. Oras naman para hanapin ko ang aking sarili at pasayahin. Hindi ko kailngan ng commitment. Ang nais ko lang ay ang makakasama sa buhay ng walang sakitan. Alam kong parte na ito ng aking buhay.
Destiny?
Oo. tayo din ang gumagawa ng destiny naten. Nasa ating mga kamay kung saan tayo tutungo. Sa matuwid na landas ba? O sa liko-liko at baku-bako.
Sa tama o mali? Oo. minsan ang mali ang masarap subalit ito ay panandalian lamang dahil ang tunay na kaligayahan ay ang pag-gawa ng tama at naaayon sa Kanya.
Isang salita pero napakakulay..
D E S T I N Y .
CONVERSATION