UNDECIDED
Sanay na ako sa araw-araw na ikot ng aking buhay. Mga simpleng pangarap at mithiin, hindi na din nakapagtataka ang mga pangyayaring ito. Sa mga panahong ito, maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Para akong nasa barkong papalubog na hindi alam ang gagawin kung hahanap ba ako ng bangkang masasakyan o hayaan ko na lamang na panuorin ang unti-unting paglubog ng aking katawan sa dagat ng kamatayan.
Buti pa ang saranggola, malayo ang nararating. Nakakalipad, mataas, tinitingala, at tanaw ang lahat. Minsan naisip ko sana naging burador na lang ako na may pisi na nagkokontrol nito at nagpapatakbo ng aking buhay. Hangga't mahaba ang aking pisi, ay patuloy pa din ang aking paglipad. Buhay nga naman ng tao. Walang hinangad kung hindi ang kayaman, kaginhawahan at kapangyarihan.
Tama. Sino nga ba naman ang may ayaw nito? Ako? Sa mura kong edad, madami akong gustong gawin. Pero habang tumatagal unti-unting lumiliwanag ang landas na aking tinatahak.
Noong bata pa ako, pangarap kong maging isang "Commerce". Hindi ko alam kung bakit yun ang isinulat ko nung pinagawa kami ng teacher ko ng 'Ang Aking Pangarap'. Siguro dahil nakita ko sa papel ng kamag-aral kong mayaman. Oo nga. Natatandaan ko na nga. Siya yung classmate(s) ko na laging may medal pag recognition at graduation day. Wala kasi ako pang-donate ng electric fan, kurtina, at make up sa teacher ko nun. Kaya siguro siya ang naging "Honor" noon. Honor din naman ako. Masipag ako dati.
Gigising ako ng maaga para di ako ma-late sa flag ceremony. Ayoko kasing mapagod at madumihan ang aking uniform. Dahil, kung sino ang late ay magdadamo at iikot sa field ng 20times + payment ng P2.00.
Natatandaan ko pa, P5.00 lng ang baon ko noon.
Isang POP (Ung softdrinks na kinalakihan ko) = P2.00
Isang plastic na spaghetti (favorite ng lahat)= P3.00.
Kay sarap isipin kung gaano kasimple at payak ang buhay ko noon. Maliit na bagay lamang pala yun na kung iisipin ay nagbibigay na ng malaking dalahin para sa akin. Akala ko tapos na ang walang humpay na National Achievement Test, Career Achievement tests, Pyschological Ttest, durg test, at kung anu anu pa.
Hindi pa pala.
Hindi pa pala.
High school ako natuto ng mga bagay na hindi ko pa alam dati. Ang mangopya, mandaya at anu ano pa. Sabi nila kapatid daw ng magnanakaw ang sinungaling? Kaya habang lumalaki ako, yun ang pinaka-ayaw ko.
Wala namang bago sa high school life ko. Katulad lang din ng High school life ng ibang kabataan. Yun nga lang, sa isang pampublikong paaralan ako lumaki.
Una kong naging adviser si Ms. Leah G. Astejada. Tinuring niya kong tunay na anak. Gayun din ng ako ay fourth year high school. si Mr. Wilfredo R. Sison. Siya ang tumayong ikalawang ama sa akin. Sa kanila ako natutong mangarap, mamuno, at magmahal. Lalong lalo na si Ms. Aileen Abando. ang aking adviser sa Campus Ministry. Hindi-hindi ko malilimutan ang kanyang mga payo at tiwala sa akin. Siya ang naka-discover sakin :) mag-artista. peace! :)
Seryoso..
sa mga oras na to. Hirap na hirap na hirap ako magdesisyon sa dalawang bagay na pareho kong gusto..
kahit anu pa man ang aking maging desisyon, paninindigan ko na lamang ito at alam kong may dahilan ang lahat ng bagay sa mundo kung bakit nangyayari. Siguro hindi pa ngayon ang sagot sa ating mga katanungan. "IN TIME" malalaman din natin yan.
..to be continue
CONVERSATION