SMP
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isulat sa blog na to. Siguro dahil wala lang akong magawa ngayong araw na to. Ang daming pangyayari sa buhay ko na di ko inaasahan. Sobrang busy ko na din siguro sa nagdaang mga araw.
Wala naman makakapagsabi kung kelan at hanggang saan na lang ang itatagal ng isang relasyon. Umaasa ako na balang araw sasaya din ako tulad dati. Naging desisyon ko to kaya dapat kong panindigan ang lahat ng ito. Masakit, pero kaylangan harapin.
Kanina naghahanap ako sa GGoogle ng magandang LOVE quotes na pwedeng ilagay dito sa blog ko. Pero wala akong makita. Nakakaasar. Ang dami ko pa pala dapat gawin pero inuuna ko pa to. takte!
Nag-iisip ako araw araw kung anu ba dapat kong ilagay dito, kapag may magandang nangyari, i-Blog ko yan. Pero kapag kaharap ko na ang computer, nawawala lahat.
Kanina, kahit di ako nagreview nakasagot naman ako sa quiz. Tapos after nun, Rizal naman. Tae sobrang antok ako. Napuyat kasi ko kagabi. Ang daming ginagawa. Sobra!
February pala ngayon, hindi ko namalayan. Panahon pala ng pagmamahalan, naalala ko tuloy yung first crush ko nung elementary.
_________________________
Reena ang pangalan. Kakaiba diba? Wahaha XD Siya ang pinakamatalino sa klase namin noon (hanggang ngayon din naman). Simple, katamtaman ang kulay, mahaba ang buhok, at higit sa lahat mabait. Siya ang class president namin palagi, kasi naman syempre, iboboto ng lahat.
Wala na siyang ama, at puro babae sila sa pamilya nila ngayon. Masipag siyang mag-aral, dahil Nursing ang course niya ngayon. Nagkahiwalay kame (parang naging kame) pagdating ng high school kasi sa public ako nag-aral, at sa dahil bunso siyang anak, sa private siya. Sana naging bunso na lang din ako. Hahaha :D
Naaalala ko nun kapag break time, tuwing bibili siya ng pagkaen ay susundan ko siya, suitor kung baga. (baga..likely) tama ba? Kung ano ang bibilin niya, yun din ang kakainin ko. Ewan ko ba. Idol ko talaga siya dati pa, hanggang ngayon. Bilib ako sa kanya kasi kahit wala na siyang ama, tuloy pa rin siya sa kanyang mga pangarap. (Thumbs up!) Dapat kasi siya ang tatakbong SK Chairman sa amin noon, pero ewan ko kung anung dahilan niya at nag Konsehal siya. Lumabas na mataas ang boto nya sa lahat kaya siya ang naging 1st councilor. (ako pang huling councilor lang) hahaha XD
Nung 18 years old na siya, nagkita kame ulit sa pagkakataon na mag bi-birthday siya. May hiningi siya saking pabor, di ko alam kung bakit ako ang naisip niyang pagawin ng invitation cards niya. Ayun, araw-araw na sa kanila ko, gumagawa ng invitation.
Ewan ko, hanggang ngayon idol ko padin siya. hehehe XD Siguro kung mababasa niya to matutuwa siya. Masaya na siya siguro ngayon sa kanyang kalagayan, sa kanyang ginagawa...
_________________________
Ito ako ngayon naghihintay sa aking teacher. Nakakainip pero kailangan. Siya pa naman ang last period namin. Asar! Tapos malalaman mo, mag-a-attendance lang pala kayo. Nasayang lang yung oras ko kasusulat dito sa blog na 'to.
Ang lamig lamig ng Pebrero ko. Huhu :( kami nga pero parang hindi man lang kame magkita, hindi naman sana ganon kalayo ang pagitan naming dalawa. Valentines day, pero parang pangkaraniwang araw lang samin ito. Pero masaya ko, dahil hanggang ngayon kame pa rin. Sa hirap at ginhawa. Siguro nga hindi naman talaga sukatan ang materyal na bagay, mamahaling regalo, masarap na pagkain para malaman mo kung gaano ka kamahal ng isang tao.
Sapat na sa akin ang isang SMS na "I love you, Ingat ka!". Eto na siguro ang pinakamahal na gamit, at pinakamasarap na pagkain sa buong mundo, ang maalala ka ng taong mahal mo...
(Samahan ng Malalamig ang Pebrero)
CONVERSATION