ISTORYAHE: Ang Paglalakbay ni Kaibigang Aso
Part I
Nagising siya sa isang tawag mula sa telepono ng isang kaibigan. Nagulat siya at tanghali na, mahuhuli siya sa kanyang pupuntahan. Nagmadali at walang pag-iingat na inayos ang lahat ng gamit at kinuha ang kanyang damit sa kanyang cabinet. Ipis! Ang bumulaga sa kanya.
“Pesteng mga ipis na yan. Hayoooop!”
Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Para siyang isang xerox machine na hindi alam ang gagawin dahil may paper jam. Ito ang araw niyang pinakahihintay sa lahat. Kabado at may kaunting takot sa kanyang mga mukha dahil ito ang una niyang pagkakataon para maglakbay.
Dumaan muna siya sa kanyang paaralan para magpaalam sa kanyang mga guro dahil matagal-tagal din ang ilalagi niya sa kabilang isla. Nasira na ang kanyang umaga, nasira na naman ang kanyang tanghali dahil sa bantay sa gate na ayaw siyang papasukin. Kulang na lang ay lumuhod para magmakaawa para lang pahintulutan na makapunta sa dapat niyang pupuntahan.
Nakalabas din siya sa kanyang kaharian. Nakapagpaalam naman siya ng maayos. Patungo na siya sa sakayan papunta sa Manila. Kunwaring puno ng lakas ng loob pero sa katunayan ay nanginginig na sa takot ang kaibigan kong aso na ito.
Sa wakas, nakasakay na din sa bus. Paalis na ang bus na sinasakyan niya ngayon sa mga oras na ito. Parang nagyeyelong ice cream ang kanyang pakiramdam habang tumatagal ang biyahe. Masaya at malungkot ang nararamdaman niya sa panahong ito. Ang dami na din niyang pagod.
“Sa Cubao lang po. Studyante. Scholar po ni governor”
“Saan ang ID mo?”
Nagpatuloy lang ang paglalakbay...
Zzzzzz. Kasalukuyang natutulog ang aking kaibigan. Hindi niya namalayan ang oras. Masyado pa pala siya maaga para makarating sa kanyang pupuntahan. Habang papalapit ang bus sa Manila, ay papalayo naman ang kanyang iniisip. (Manok ba o itlog ang nauna? 9 ba ang buhay ng mga pusa? Totoo nga ba si Kokey?) Nonesense..
Unti-unti ng nakikita ang mga liwanag na nagmumula sa mga naglalakihang larawan sa expressway. Sa twing makakakita siya ng mga ilaw, bigla na lamang siya napapangiti. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso na parang may isang banda ng mosiko na tumutugtog ng wala sa tono.
“San kna? Gilbert ito ng Ayala”
“Dito po sa bus...”
“Sa pasay ka na bumaba”
Parang gumuho ang kanyang mundo dahil ang kanyang pagkakaalam ay Cubao laman kaya biglang nasira ang kanyang mga plano. Parang isang bata na pilit inililigaw. Pano na yan.. Naglakas loob na kausapin ang driver. Sa mga panahong ito, nag-iisa na lamang siya sa Bus. Wala ng pasahero (nag-iisa nga ee).
“Manong Pasay po” ang kanyang tanong na parang alam ang pupuntahan. Binaba siya sa isang lugar na madaming ilaw at babaeng naglalakad na mahihigsi ang suot. Naghintay ng text message mula kay kuya Gilbert.
“W8 mu lang siya diyan. Si Kuya Manny mu na ang susundo sayo..”
Nakakainip ang mga oras na yun.. Dumating na ang VAN.
“Yeeppeee!” pero ayaw pa niya sumakay. Hindi niya alam na yun pala yun. Tinawag siya at isinakay ang kanyang mga gamit. Doon ko nakilala sina
“Kent, JP Penol, teka... hindi ko na matandaan yung iba. Tama ba? Hehehe. Basta maingay sila nun. May girl din basta.”
Tahimik lang ang aking kaibigang aso noon. Nahihiya dahil hindi alam kung ano ang ipapakita niyang ugali..
Nagbabaan sila lahat sa BSA Tower. Tanging ang kaibigan ko lang na aso ang naiwan doon. Lalo siya nagwala at kinabahan kung saan siya dadalhin ni Manong Manny......
(abangan)
CONVERSATION