Lost in Summer II
Hindi ko alam kung ano ang kwento ng summer ko ngayon pero kung ihahalintulad ko noong isang taon, parang mas makulay ngayon ang aking bakasyon. Love story na lang kaya ang aking kwento?
March 19, 2011
Sobrang saya ko dahil tapos na ang mahabang araw ng pasukan at problema sa school. Wala na ang mga mahahabang quiz, mga announced na surprise recitations, prelims, midterms at finals, symposium, events, monthly mass, tambay sa classrooms, sa canteen, qanah, circle of life garden, pathwalk, at drinking fountain. Masaya ako dahil tapos na din ang isang taon ng aking pakikibaka bilang 3rd year student, ang pagiging junior.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba talaga ako, o magiging malungkot dahil madami-dami din akong maaalala at mamimiss sa buhay studyante. Ang masasayang kwentuhan, tawanan, kulitan, away-bati, gulo, issue, ang cyber-nook, library para magpalamig, ang mall, select, at ang maiingay na 'barker' ng jeep, bus at tricycle.
April 19, 2011
Isang buwan na ang nakakalipas, masaya pa din ang buhay. Tuloy tuloy pa din ang biyaya na dumadating, pero bakit hindi pa din buo ang aking kaligayahan? Parang may kulang pa din. Ang hirap pala talagang magmahal. Kailangan pala talaga mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao. Hay...
This is final. Kailangan ko magdesisyon para sa aking mga pangarap. Ayokong masira ang mga ito dahil lang sa aking mga pagkakamali. I let you go, but it doesn't mean that I don't love you.. Kung maiintindihan mo lang siguro kung bakit ko ito ginawa. Para talaga ito sa mga pangarap ko. at tandaan mo, isa ka dun sa mga 'pangarap'
May 19, 2011
Kahit hindi man tayo magkita araw-araw, linggo-linggo, buwan buwan, o kahit isang taon pa man, hindi pa din magbabago ang nasa puso ko. Yun ay ang pangalan mo. Siguro sa ngayon, hayaan mo muna akong mag-isip at magnilay sa mga bagay bagay na dapat kong patunguhan. Mahirap talaga kasi mamili sa MASAYA pero MALI, o sa TAMA pero MALUNGKOT.
Tama siguro itong napili ko. TAMA pero MALUNGKOT. Naniniwala ako na kapag pinili mo ang landas na tama, bagkos may kalungkutan at kirot sa puso, dahil mahirap mawalay sa taong pinakamamahal mo, ay may naghihintay na kaligayahan na pang habang-buhay. Hindi ko masasabi sa ngayon na masaya ako, gusto kitang makasama, mahagkan, at makapiling. Siguro nga, kaylangan kong tanggapin ang mga bagay bagay sa mundo ay panandalian lamang at ang nakaraan ay hindi na muling maibabalik pa.
Natutuwa ako tuwing maaalala ko ang mga sandali na naging isip bata ako, nagselos, umiyak at nagpakatanga sa taong pinakamamahal ko. Masaya ako para sayo dahil naka-ahon ka na sa kumunoy na matagal nating pinagdaanan. Naghihintay lang ako dito hindi para balikan mo, kundi para hawakan ang aking kamay at hilahin pataas para iahon sa kumunoy na matagal ko na ding gustong alisan.
Kung na saan ka man ngayon, masaya ako para sayo. Ang pag-ibig ko para sa iyo ay hindi pa rin nagbabago. Senior na ako, dapat ko ng gawin ang bagay na alam kong tama. Madami na akong natutunan. Ayoko ng ulitin pa ang paglubog sa bihag ng masamang pag-ibig, ang paglubog sa bagay na walang patutunguhan.
Isang bagay lang aking natutunan sa mga pangyayaring ito:
huwag mo ng tangkain pang subukan ito..

Kung alam mong mainit at nakamamatay ang apoy,
huwag mo ng tangkain pang subukan ito..
Mahal pa rin kita..
CONVERSATION