ISTORYAHE: Ang Paglalakbay ni Kaibigang Aso 2
Madaming tao. Iba't iba ang kasuotan.
Nakangiti, tumatawa, tahimik, malungkot at kung anu-ano pa. Yan ang aking nadatnan sa aking pag-akyat sa ika-10 palapag ng building na yun.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Madami sila. Magulo. Masaya ang lahat at ako ay pagod na pagod sa biyahe. Sumalubong sa akin si Kuya Daren, ang kaibigan ng lahat. Siya lang nakikilala ko sa mga tao doon. Nakangiti lamang ako sa kanilang lahat (nag papa-cute).
Habang nasa Van ako kanina iniisip ko kung paano ko ba ipapakilala ang aking sarili sa kanila..(Teka. Hindi pa pala ako kumakain ng lunch!) Gutom na gutom na ako ng mga oras na ito. Unti-unting nagdadatingan ang mga kasama ko. Lahat sila ay may kanya kanyang dalang malalaking bag.
Excited na ako! Nagtipon tipon kaming lahat. Dito ko nakilala ang isang taong mahirap ang spelling ng kanyang Surname. Tsk. Si Ate Lis Bum#%$#%. Hahaha. Siya yung taong laging Cool, chill, zozy, mabait at masayang kasama, as in! Parang Monchito (ooops. Its monchitow! Yah! MonchitoWW! With 'W') Peace. :)
(Nagugutom na talaga ako) Di ko alam kung ano na ang nangyayari dito. Dahil sa walang magawa, naisip ni (I forgot the name) hahaha. Yan pala ang weakness ko! Amp. At yun pala ang game. Tsk! Getting-to-know each other. Padamihan ng names na masasabi. Badtrip. Bakit ito pa. Ayan.
Nauna si (I forgot the name again). Madami siyang nasabi. Bravo! Kinakabahan na ako. Tsk. Nagpakilala muli ang isa't isa para matandaan ang aming names. *Blah. Blah. Blah aaarreneo! :)
Dito ko muling nakilala ang aking IDOL ever since. Si Coco Shanel (tama ba spelling? Atleast. Natandaan ko ang name niya). Idol ko na siya noon pa man. Lagi ko siya nakikita sa TV, naririnig sa Radiow. As in! Hehehe. Sa totoo lang, hangang hanga ako sa kanya sa kanyang galing at pagiging linkod kabataan. Nung high school kame, isa ako sa mga humihiyaw at nag cheer sa kanya at humihingi ng autograph during Youth gatherings. :D as in!
At syempre, sa game na to. Siya ang madaming nasabing names. Kasi, ewan ko ba kung saan siya pinaglihi ng nanay niya! *Thumbs up Idol!
Naubusan na kame ng mga dynamic activity habang hinihintay dumating ang mga alumni na magkukupkop sa amin sa gabing ito. Hay.. excited talaga ako. Di ko alam kung sino ang makakakuha sa akin! :)
(Nagugutom na talaga ko) Nagpasya ako na tumahimik na lamang at wala na ako energy. Unti-unti na silang nag-aalisan dahil kukuhanin na sila ng alumni para mag-libot, kumaen, mag-shopping, ice skating, swimming, … (Hahahha joke. Yan ang nasa isip ko ngayon). Anim na lang kaming natitira at hindi pa din tinatawag ang pangalan ko. Ayan..Tatlo na lang kame. Gutom na ko! :D
Dahil sa kagutuman na to, dito ko nakilala ang matagal ko ng nawawalang kapatid. Si ate Erika Dimaguila. Isa siya sa mga kilala at aktibong kabataan sa panahon niya hanggang nagyon. Mahusay at mapagkakatiwalaan. Simple pero rock! Morena at maganda magdala ng damit. Hindi nagmamataas at tumatanaw ng utang na loob. May malasakit as kapwa at sa bansa. (Naks!) Siya kasi ang nagpakaen sakin ng Lunch-Dinner sa Jollibee (take note. For free!) hahahah. Bawi na ba ko ate ika?
Kasama ko dito sina Prolen at JM (tama ba name?) parehong PMA'er. Nakakatakot. At nakakasindak. Bakit kaya magkakamuka ang kanilang gupit? :D Mabait silang dalawa. Sila ang nagpatabi sa akin sa panahon na wala akong matutulugan nung interview sa BSA tower. Simple at may pangrap sila sa buhay (*ching)
Sa pagpunta namin sa Jollibee (ang kaaway ko), muli akong namangha sa ganda ng paligid. (WOW!). Mga building na nagtataasan, ilaw na iba't ibang kulay, usok ng sasakyan, jeep na aircon, mga taong mahilig mag-Jogging kapag gabi, at mabibilis maglakad na mga tao..
Pagpasok namin sa kay Mr. Jollibee (bubuyog), doon muli kong nakita ang kasabay ko sa Van.. Sina (magpakilala kayo) hindi ko na matandaan ang mga names. Hahahaha.
...itutuloy
CONVERSATION