Birthday Bash
Kung hindi ito ang araw na pinakamasaya, sigurado eto yung pinakamalungkot.
Unang araw na ng buwan, at ito na ang pinkahihintay ko...dandarandandan..
HABERDAY to me! pero mukang hindi talaga para sa amin ang araw na ito.
Naalala ko tuloy yung mga nakakaraang birthday ko. Naalala ko tuloy yung taong laging nagpapasaya sakin. Kasama ko nung mga ganitong panahon. Hindi ko alam kung bakit masarap kapag may taong nagbibigay importansya sayo, nagpapakababa para lang magkasundo kayo at ibibigay ang lahat mapasaya ka lang.. Nakakamiss tuloy.
Madilim na ang paligid, tanging mga kuliglig na lamang ang madidinig. Naka-charge ang cellphone ko habang ako ay nagpapahinga sa kwarto ko. Masaya.. dahil walang pasok bukas at excited na ako sa aking kaarawan. Tatanda na akong muli. Ito ang edad na maari na akong bumuto sa National Election. Sabik na talaga ako.
11:59 ng gabi, ng biglang nag-ring ang cellphone ko at tumawag siya.
TAMA! Sabi ko, hindi na ako aasa pa na maaalala niya ang kaarawan ko. Siya ang tumawag.
Masaya ang boses, may tamis ang kanyang pagkakasabi ng Happy Birthday.
Tila sumikat ang araw at nagbagsakan ang mga party balloons sa aking higaan. Ang saya! Kahit sa simpleng salita lamang ng isang tao, napapahinto nito ang ating buhay kahit sa isang sandali lamang. Wala nang mas hihigit pa sa regalong natanggap ko ng araw na iyon.
"Pwede ka ba bukas?" ang tanong niya sa akin.
"Oo, bakit?" ang agad na sagot ko. Syempre alam kong aayain niya ako magsimba dahil linggo na.
"Mag-simba tayo bukas?" ang sabi niya. Pumayag naman ako agad dahil matagal-tagal na din naming hindi nagagawa ang mga ganitong bagay.
Sumapit na ang pinakahihintay kong sandali.
Laking gulat ko ng magkita kame. Hindi lang siyang mag-isa ang bumati sa akin.
OOOOOOOMMMMMMGGGGG.
Kasama niya ang kanyang magulang. Hindi ko alam ang aking gagawin.
Unti-unti ng nagbabagsakan ang mga pulutong na pawis sa aking mga muka at nagdilim ang aking mga paningin.
[Syempre, kunwari hindi halata]
Nagmano ako sa kanya at sinabing "Tara na po, magsimba na tayo sa loob".
Habang nasa loob kami ng simbahan, hindi maipinta ang aking mukha sa sobrang galak na aking nadarama. Pakiramdam ko part na ako ng kanilang pamilya [Agad-agad]
Matapos ang misa ay kumain kami sa restaurant ni pulang bubuyog malapit sa Simbahan. Habang umoorder si Mama [ang bilis], naupo na kami sa itaas at bigla niyang hinawakan ang aking kamay at sinabing, "Happy Birthday, I love you!".
Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa lugar at hindi na matatapos ang araw na iyon kaylanman. Bigla akong napatulala at parang nawala sa aking sarili.
Dumating na si Mama [ang bilis talaga] at naupo na sa harap naming dalawa.
Sa pagkakataong ito, mas nakilala ko siya ng lubusan at naintindihan ang kanilang buhay. Siguro nakakahalata na ang kanyang Mama sa aming dalawa, subalit nagbulag-bulagan na lamang siya sa kanyang mga nakikita.
[next]
CONVERSATION