Effectivity vs. Efficiency


Minsan hindi ko din malaman kung bakit ang mga tao sanay lagi sa mga nakasanayan na. Sanay sa mga bagay na walang patutunguhan. Minsan, isa ako sa mga taong ganito. Nakakaasar lang yung mga pangyayari na gustong-gusto mo nang tapusin at magawa, e biglang dumadating yung mga ganitong pangyayari:

§ Ikaw na ang susunod sa pila ng cashier sa bookstore, tapos biglang mag lalagay ng NEXT COUNTER PLEASE.
§ Uhaw na uhaw ka, tapos walang pumatak na tubig sa drinking fountain.
§ May tubig nga, kaylangan mo pang makipaghalikan sa nguso ng drinking fountain.
§ Nagmamadali ka sa klase, (may quiz) tapos pagpasok mo nakalimutan mo pala ang ID mo.
§ Late kang dumating, tapos wala ka pa yellow paper.
§ May yellow paper ka nga, wala naman palang laman an utak mo.
§ May laman nga, kukuhanin pa ng iba. Pag hindi ka nag-share, magagalit.
§ Pag ikaw naman ang walang alam, wala ka ng malapitan.
§ Gutom na gutom ka na, wala pang “EATable” sa Cafeteria.
§ May “EATable” nga, mahal naman. Buti na lang may mall sa labas.
§ Super prepared ka sa klase, hindi ka pa late tapos wala naman palang pasok.
§ Dahil walang klase, pupunta ka ng mall.
§ Nag-aral nga, pero nasa mall naman.
§ May regular mass naman, bakit walang nagsisimba?
§ May nagsisimba, natutulog naman.
§ May free Wi-Fi na, gusto pa ng free Charge.
Nakakalungkot isipin, pero ganito ako minsan. Siguro ganyan ka din. Wala talagang perpektong tao pero hindi yun sapat na dahilan para hindi na tayo gumawa ng mabubuting bagay sa ating sarili at sa ating kapwa. Nakakatamad talagang maging tamad. Pero nakakatamad na din maging masipag! Ginawa mo nang lahat pero kulang pa din.. dahil ba wala talagang kasiyahan ang mga tao?
Ang hirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan. Kaunting tiis na lamang ay matatapos na ang paghihirap at papasok na KO sa totoong buhay. Pero hanggang sa puntong ito, di maiwasang sumagi sa isip ko ang katanungang:

"ANO NGA BA ANG NATUTUNAN KO?"

IKAW..Ano na ba ang natutunan mo?

Share this:

, , , ,

CONVERSATION