Dear Santa


Dear Santa,

Sa tuwing sasapit ang pasko, ikaw lagi ang nakikita ko sa mga lugar na pinupuntahan ko. May dala ka ba talagang swerte sa bawat isa? Salamat pala sa regalo mong dalawang mapupulang mansanas noong ako’y Grade 3. Nagsabit ako ng butas na itim na medyas sa pintuan namin ng December 24. Masayang masayang ako noong mga panahong iyon. Wala pang nakakahigit sa sayang dulot mo. Sana ngayong darating na pasko, tuparin mo ulit yung mga wish ko:

Una, hindi na po pala ako magsasabit medyas. Wala na po kasi akong medyas na butas ngayon. Wala din po pala kayong dadaanan papunta sa pintuan naming. Sarado na po kaya nag-iwan na lang po ako ng dalawang malaking box sa labas ng bahay naming.

Yung unang box po, sana magkaron poi to ng isang mansanas na may kagat. Yung 4S po. Matagal ko na din pong pangarap magkaroon ng ganoong gadget. Sana po, padalhan niyo din po ako ng 16GB na FD para sa gagamitin ko araw araw para hindi na po ako nanghihiram. Santa, padala na din po ng Ice Watch.

Sa isang box naman po, sana bigyan niyo naman po ako ng lakas ng loob harapin yung bagay na hanggang ngayon ay knatatakot akong gawin. Pakilagyan na din po ng pagtitimpi at kaunting pag-unawa sa mga bagay na hindi ko pa din maintindihan hanggang ngayon tulad ng:
  • Nasaan po ba talaga si Ramona?
  • Bakit po madumi ang Dairy Ice Cream?
  • Bakit po mataba kayo?
  • Wala po bang anak si Santa?
  • Bakit pag pasko, ang babait ng mga tao?
  • Bakit may malalamig ang pasko?
  • Totoo ba na bading si Piolo?
  • ATBP…

Santa, kayo na po ang bahala sa dalawang box na yan.
MERRY CHRISTMAS!

Love,
Mr. A

Share this:

, , , , , , , ,

CONVERSATION