Mga Issues kung Bakit Hindi Maka-Move On ang mga Pinoy
Dahil natuwa ako sa post na ito ni Marcelo Santos, gusto kong ibahagi sa inyo ito:
Mga Issues kung Bakit Hindi Maka-Move On ang mga Pinoy
Mga Issues kung Bakit Hindi Maka-Move On ang mga Pinoy
“Pagmu-MOVE ON: Madaling sabihin, Madaling gawin pero mahirap tanggapin.”
- Marcelo Santos III
May limang issues sa buhay ng Pinoy kung saan hirap na hirap nating tanggapin ang mga pangyayari kaya hindi tayo makamove-on.
1. Break Up.
Halos lahat naman eh. Yung tipong mahal na mahal mo siya pero ayaw na
niya. Minsan naman, tayo yung nakikipagbreak pero tayo naman yung
umiiyak sa dulo. Yung ang tagal tagal niyo na pero natapos lang ng ganun
ganun lang. Masakit tanggapin pero kailangan.
2. Pagkatalo ni Jessica Sanchez sa American Idol.
Lahat ng Pinoy ay tutok na tutok at sobrang suporta sa ating American
Idol pride na si Jessica Sanchez noong nakapasok siya sa Top 2 ng
kumpetisyon. Kung anu-anong paraan ang ginawa ng Pinoy mapakita lang ang
suporta, ang mga APPS sa Facebook na hindi mo alam kung counted ba yung
boto mo, yung pagtawag sa Skype, yung pagpapatrend na lang ng
JessicaIsTheNextIdol at kung anu-ano pa, pero noong nalaman nating
natalo siya, ayun, naging ampalaya na naman ang mga tao. Walang
pagsidlang ang BITTERNESS sa kanilang mga pinopost sa Facebook at
Twitter.
3. Pagkapanalo ni Bradley.
Ako rin naman ay nagulat nung nanalo siya. Yakap lang naman siya ng
yakap eh. Pero naisip niyo ba na kaya ganun yung nangyari kasi kapag
nanalo si Manny ay wala ng REMATCH? Hindi na sila kikita. Pera pera lang
naman yan eh. Yun ang opinyon ko.
4. Call Me Maybe Videos and Thor Jokes.
Sa una, medyo nakakatuwa pa. Pero siyempre kapag medyo matagal na at
nahahaluan na ng pagka-jeje, nakakasawa rin pala. Kaya move on na!
5. Pagkapanalo ni Myrtle.
Ito ang HOT ISSUE. Hindi makamove on ang mga Pinoy Teens sa
pagkapanalo ni Myrtle. Kung bakit 4th lang sina Joj and Jai. Trending pa
nga ang #HindiKaDeservingMyrtle. Pero noon pa man ay malakas na sa
voting si Myrtle, lagi siyang nangunguna. Basehan lang naman ng
pagkapanalo ay yung Text Votes. Ano ba ang deserving? Paano mo malalaman
kung hindi deserving ang isang tao? Dahil lang ba sa EDITED at
Piling-piling clips and story na pinapalabas ng PBB Team? Deserving
naman ang lahat eh. And the bottomline is CONTEST ang PBB. Kaya next
time, sana kung hindi deserving ang isang housemate, edi magtext hindi
magtweet. Diba?
SOURCE: http://marcelosantosiii.com/
CONVERSATION