My BAKIT List





Alam kong malapit na ang Christmas pero hindi pa ako gumagawa ng wishlist at lalo na ang New Year para sa aking paulit-ulit na resolution. I’m writing this blogpost to consolidate all my “BAKIT” list.
Natanong mo ba minsan sa sarili mo kung bakit may bagay na kahit anong gawin mo ay hindi mo ma-explain? Those things that you always encounter in your daily living? Yung isang tanong lang pero napakaraming sagot? Yung tanong na kahit si Kuya Kim ay di kayang ipaliwang?

Narito ang aking BAKIT list:

-          Bakit siyam (9) ang buhay ng pusa? (Sana tao din)
-          Kung Open 24 hours ang McDo bakit may lock ang pinto?
-          Bakit ang daming dedma sa jeep kapag nag-aabot ka ng bayad?
-          Kung totoong nakapag move-on kana, bakit affected ka pa rin?
-          Bakit square ang box ng pizza? Circle naman ang shape nito.
-          Kung nakakamatay ang too much love, bakit mahal mo pa rin siya kahit may iba na?
-          Bakit noong bata tayo laging sinasabi ng ating magulang “Sige, kukuhanin ka ng bumbay!”
-          Bakit bawal ang ketchup sa sinehan?
-          Bakit mas tanggap pa ng tao ang dalawang lalaki na nagbabarilan kaysa nagmamahalan?
-          Bakit single pa rin si Mr. Bean?
-          Kung si Jesus Christ nga nagpapatawad, bakit ikaw hindi? (pride!)
-           Bakit walang Palmolive Shampoo sa SM?
-           Bakit maitim si Dora the Explorer?
-          Kain ng kain, payat. Tulog ng tulog, puyat! Bakit?
-          Bakit ang mahal mahal ng Mogu-Mogu?
-          Bakit ang dami natin tanong sa mundo at kahit kaylan hindi makontento?

Bakit nga ba? Ako, hindi ko alam. May mga bagay na kahit anong paliwanag mo ay hindi masasagot ng ating isipan.

Ikaw, ano ang tanong mo? Bakit?

Share this:

, , , ,

CONVERSATION