Promdi Ka Kung..



Promdi ka kung alam mo ang ibig sabihin ng promdi. Pero just so you know, “promdi” is a Filipino slang word derived from the English phrase “from the province". Simple lang pero ang daming negative impression kapag nalaman nila na ikaw ay promdi but sometimes there are advantages naman.

Pero I don’t want to discuss the pros and cons of being a promdi. I’m writing this article to share some funny signs that you are a certified promdi:


Promdi Ka Kung..


1. Nakalusong ka na sa bukid at naputikan na ang iyong mga paa. 
Photo source here.
 This is normal to everyone of us. Diba ang saya maglaro sa bukid?!


2. Putok ang tawag mo sa pandesal.
Photo source here.
Minsan monay din ang tawag sa pandesal. Kaya daw putok dahil pumuputok yung pandesal kapag niluluto. Yun daw ang masarap..yung pumuputok..I mean yung pandesal. :)



3. Your friends always ask you: May ganyan din ba sa inyo (insert name of food, place, object) nito?
Ano tingin niyo samin, walang TV sa probinsya?


4. Sanay ka sa alarm ng tilaok ng manok 
Photo source here
Sounds familiar?


5. If you don't know how to use pedestrian underpass
Photo source here.
Minsan napagkamalan ko pang movie theatre yung underpass sa Makati. Ang dami kasing ilaw!


6. Lagi kang may "eh, ay, weh, reh, nereh".
Examples:
Ang ganda naman nereh.
San ba reh? (Pertaining to a place)
May barya ka ba? Wala eh!

7. Ilog or poso ang laundry shop niyo.  
Photo source here.

Hindi uso ang laundry shop sa probinsya. Atleast once, nakapaglaba ka sa ilog na malapit sa inyo or:

Photo source here

ang daily exercise mo ay ang mag-timba sa poso ng bahay niyo habang naglalaba ang Nanay mo. Ang hirap diba?!!




8. Sometimes, you use "kako" instead of "sabi ko"
Examples:
Magsasampay ako kako. 
Yung salamin kako nasaan na?!


9. Sometimes you call dinuguan "tinumis"  
Photo source here.

Ang sarap kaya! Diba?


and last but definitely not the least.....



10. Your friends always ask you:
Ahh..you're from (insert province) pala. Kilala mo ba si (insert name)?

Hello! Ang dami kayang tao sa probinsya namin?!



Ikaw, saan ang probinsya mo?! 
 

Related searches:
  • 10 Signs That You're A Promdi
  • Promdi meaning
  • Promdi boy
  • Promdi girl

Share this:

, ,

CONVERSATION